Gretchen Sawsawera Queen ng taon: Tinawag na epal, sadista, masokista

GRETCHEN BARRETTO

Parang nakakaramdam ng kaligayahan si Gretchen Barretto kapag maraming nagagalit sa kanya. Parang aliw na aliw ang magandang aktres kapag pinupupog siya ng pamba-bash sa social media.

Sa paglalarawan ng ilang kaibigan, si Gretchen daw ay sadista-masokista, tuwang-tuwa siyang nakakapanakit at nasasaktan din.

Sabi ng isang kababayan nating hindi nagkakagusto sa ginagawang pakikisawsaw ngayon ni Gretchen sa isyung kinapapalooban ni Kris Aquino, “Siya na talaga! Si Gretchen talaga ang mayhawak ng korona ng pagiging sawsawera!

“Kapag gusto niyang maging talk of the town, easily, she can accomplish that. Isa siyang parasite.

Nabubuhay siya sa dugo ng ibang tao. Palibhasa, wala naman siyang pinagkakaabalahan kundi ang matulog at kumain, may sobra-sobrang panahon siya para isali ang sarili niya sa kahit anong controversy,” naiinis nitong komento.

Aba, kung mahirap magtrabaho ay mas mahirap ang buhay ng isang hindi nagtatrabaho, sa paggising niya pa lang ay nakakasawa na ang rutina ng kanyang buhay.

Kakain lang siya, maliligo, matutulog, nganganga. Nakakasawa ang ganu’n, masarap lang ‘yun sa simula, pero kapag palaging ganu’n na lang ang ikot ng kanyang maghagpon ay nakakaburyong ang ganu’n.

So, para may magawa naman si Gretchen, di makisawsaw na lang siya nang makisawsaw lalo na kung sikat ang pinakikisawsawan niya?

Siguradong mapapansin siya, meron na siyang ginagawa sa buhay, kesa naman sa nakahilata lang siya sa buong araw.

Read more...