Na-shock si Janine Gutierrez nang mabalitaang sinaktan diumano ng ex-boyfriend niyang si Elmo Magalona ang dating girlfriend nitong si Janella Salvador.
Sa panayam ng entertainment press kay Janine sa presscon ng pelikula nila ni Enchong Dee na “Elise” under Regal Films, natanong sa dalaga ang tungkol dito.
“Hindi ko po kasi alam yung totoong kuwento, so hindi rin ako makapagsabi. Siyempre nagulat din ako sa bali-balita, pero hindi ko rin naman alam kung ano talaga yung totoo,” aniya.
Feeling ba niya, kayang manalit ng babae ni Elmo? “Well, sa pagkakakilala ko po sa kanya, wala po ako personally ganu’ng experience. But I don’t know anything, so I don’t really want to say anything.”
Matagal na raw silang hindi nagkikita at nagkakausap ni Elmo matapos maghiwalay noong 2016.
Samantala, proud na proud si Janine sa pelikula nila ni Enchong na “Elise” na siyang Valentine offering ng Regal Entertainment, directed by Joel Ferrer. Showing na ito sa Feb. 6 kung saan makakasama rin sina Miko Raval, Miel Espinosa, Miss World-Philippines Laura Lehmann and introducing Victor Anastacio ng O Shopping.
Janine never sinaktan ni Elmo: Wala akong ganu’ng experience
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...