Babala ni Kris sa mga kalaban: Sa ginawa n’yo, papalakas ako, handa kayo sa 2022…

KRIS AQUINO

MARIING idinenay ni Kris Aquino na pinagbantaan niya ang buhay ng dating business partner na si Nicko Falcis, nais lamang daw niyang makulong ito sa kasong pagnanakaw.

Muling humarap sa madlang pipol ang Queen Of All Media sa pamamagitan ng Instagram at Facebook Live para ibandera ang iba pang detalye sa kontrobersyang kinasasangkutan ngayon na may konek sa diumano’y panloloko sa kanya ng dati niyang partner sa KCA Productions.

Bahagi ng pahayag ng Social Media Queen, “He waited for 110 days. Kung grave threat talaga, dapat the very next day kinasuhan mo na ako. It was a mere afterthought after motions were filed by his lawyers to delay his criminal cases.

“Sinabi ko you will be jailed, nagkamali ako roon, inaamin ko, I apologized dahil sa tindi ng galit ko because my son was breaking down, he knew how serious auto immune disease is,” sabi pa ni Kris.

Pagpapatuloy pa niya, “He (Bimby) knew also kung gaano katindi ang allergies ng nanay niya, that’s why we came here (Singapore) para malaman natin kung may chance ba para malabanan pa. If you see your 11-year-old son breaking down, hindi ka ba magagalit?”

Pagpapatuloy pa ni Kris, “He (Falcis) signed a P400,000 check, acknowledging that he did abuse company funds. Whether it is 4,000, 14,000, nagnakaw ka. Give me a break. Buhay ko ang kinuha niya.

You stole my money it’s not enough for you. You also stole my life and now you’re stealing me from my children.

“Ang ninakawan ay isang special child who will never be able to earn a living for himself at ang ninakawan isang 11 years old (Joshua at Bimby).

“Why am I blaming it on him? Because six months prior to that, I was okay. Do the research.

Autoimmune can stay dormant, but any stressful situation, lalabas ‘yan. Kahit sinong doktor, sasabihin ‘yan. Kung galit ako, karapatan ko ‘yon, kasi buhay ko ang kinuha niya,” say pa ni Kris.

“Kris is back, and she is a better Kris because she knows who to trust, who to get rid of. Not to execute, ah. ‘Di naman kami ganu’n,” dugtong pa niya.

Ipinagdiinan din ng TV host na wala siyang record na nakipag-away sa mga dati niyang katrabaho nang dahil sa pera, “15 years with Deo Endrinal, I never had an issue with money. 14 years with Boy Abunda, I never had an issue with money. 20 years with ABS, I never had an issue with money. (But) this man has been with me for a year and this happened to me.”

Sa bandang huli, sinabi ni Kris na ang mga bagong pasabog laban sa kanya ng kampo ni Falcis ay bahagi ng “well-funded demolition job” na suportado ng ilang “powerful politicians” para harangin ang pagtakbo niya sa 2022 presidential elections.

“This has to do with 2022. Alam natin ‘yung pumupondo ng trolls, machinery backing Nicko. They are saying I am not healthy enough for 2022. Let’s be honest, sa ginawa niyo sa akin, papalakas ako, handa kayo.

“That is what my Dad told me, don’t tell them your plans, just do it. Kaya handa kayo, papalakas talaga ako. The Falcis are being used as pawns, they are expendables. They are being used by bigger political powers,” pahayag pa ng mommy nina Joshua at Bimby.

Sa huli, positibo pa rin ang pananaw niya sa buhay sa kabila ng problemang kinakaharap, “I want to say thank you again. At the very worst, when you only heard their side, you still believed in me.

“I apologize that I let anger get the better of me. But it’s not going to happen again. Kasi now I know, hindi na sa phone, diretso na,” aniya pa.

Ilang ulit nang dinenay ni Nicko Falcis na may ninakaw siyang pera kay Kris. Kamakailan ay humarap na siya sa korte para mag-submit ng kanyang sworn statement bilang sagot sa mga kasong isinampa sa kanya ng dating business partner sa KCAP.

Inaabangan na ngayon pa lang ng madlang pipol ang kanilang paghaharap sa korte – face to face!

Read more...