JM 2 beses nabigo sa love: As in 24 hours kang umiiyak

JM DE GUZMAN

INAMIN ni JM de Guzman na dalawang beses na siyang minalas sa lovelife. Ito ang inamin niya sa panayam ng Magandang Buhay kahapon.

“Noong medyo bata-bata kasi ako, dalawang beses akong na heartbroken nang sobra-sobra. As in ‘yung dapang-dapa. As in ‘yung 24 hours kang umiiyak na. Tapos hihintayin mo sa labas ng bahay makausap mo lang. Tatawagan mo, ‘yung ganu’ng level,” pahayag ni JM.

“Well, it took me years noon para makabangon, maka-recover. Pero I made sure na ‘yung pain, ‘yung struggle nagagamit ko ngayon sa lahat, ‘yung wisdom na nakuha ko eh nagagamit ko,” aniya pa.

Ngayong 2019 sabi ni JM gagawin niya ang lahat para mapabuti ang buhay.

Read more...