Hindi masamang tao si KRIS AQUINO! Mabuti siyang ina! -PHILLIP SALVADOR


“Hindi masamang tao si Kris Aquino!” Ito ang siniguro ni Phillip Salvador nang tanungin tungkol sa pagpapalitan nila ng magagandang salita ng TV host-actress ng magagandang salita para sa isa’t isa.

Sa presscon ng bagong action-suspense-drama series ng TV5 na Undercover kung saan gumaganap na kontrabida si kuya Ipe kay Derek Ramsay, sinabi nito na wala siyang masamang masasabi tungkol sa ina ng kanyang anak na si Joshua.

At lalong wala siyang masasabi sa pagiging mabuting nanay nito. Pero du’n sa issue nina Kris at James Yap, wala naman daw siyang karapatang magsalita about it, “Hindi naman ako dapat makialam du’n sa ano nila, e.

Pero I was asked about her and I said that she’s a very good mother, wala akong masasabi sa pagiging hands on mom niya, despite her busy schedule.”

Tungkol naman sa pagiging commercial model ng anak nila ni Kris na si Josh, siyempre, proud na proud siya sa binata, “Tuwang-tuwa ako, pati sa mga bus, pag nakikita ko, silang tatlo, si Bimby, si Kris and Joshua, sobrang nakakatuwa, sabi ko nga, ang pogi ni Josh, ha!”

Sey pa ni Ipe, kamukhang-kamukha raw ni Josh ang anak niya sa bago niyang partner na si Emma, “Yung kapatid niya, mini me niya yun, kamukhang-kamukha niya. Yes, nagkita na sila ni Josh, pero maliit pa yung bagets nu’ng nag-meet sila.”

Speaking of Undercover na napapanood bago mag-Misibis Bay at pinagbibidahan nga ni Derek, kasama sina Wendell Ramos, Arci Muñoz at marami pang iba sa direksiyon ni Topel Lee.

Nagsimula na ang Undercover two weeks ago, at in fairness, isa ito sa mga bagong show sa TV5 na talagang nagre-rate. Kuwento ni Derek, hindi na Kidlat ang tawag ng mga tao sa kanya, kundi Roy Velasco na, ang karakter niya sa serye.

Read more...