Mga bagong aircon ng MRT naikabit na

MRT

NATAPOS na ang pagkakabit ng mga bagong air conditioning unit sa mga tren ng Metro Rail Transit 3.

Sa inilabas na abiso ng MRT3, sinabi nito na naikabit na ang 78 air conditioning unit sa mga lumang tren.

“This initiative seeks to improve the overall commuting experience of MRT 3 passengers,” saad ng Department of Transportation.

Patuloy din ang ginagawang commissioning sa ikatlong tren na binili sa Dalian.

Sa susunod na buwan ay isasalang na sa mainline ang MRT 3 para sa validation testing. Dalawang tren na ng Dalian ang ginagamit sa operasyon ng MRT.

Read more...