NIYANIG ng magnitude 6.0 lindol ang Davao Oriental kaninang umaga.
Sa inilabas na Earthquake Information 3 ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang pagyanig ay aftershock ng magnitude 7.2 lindol na naramdaman noong Disyembre 29.
Naramdaman ito alas-4:03 ng umaga. Ang sentro nito ay 127 kilometro sa silangan ng Governor Generoso. May lalim itong 114 kilometro.
Naramdaman ang Intensity IV sa Davao City; Mati City; at Santa Josefa, Agusan del Sur.
Intensity III naman sa Digos City; Alabel, at Malungon, Sarangani; Manay, Davao Oriental; at Prosperidad, Agusan del Sur.
Intensity II naman sa General Santos City; Tupi, South Cotabato; Glan, Kiamba, at Malapatan, Sarangani; at Makilala, Cotabato at Kidapawan City.
Intensity I naman sa Gingoog City, Cebu City; at T’boli, South Cotabato.