Ayuda sa nalunod sa Maldives

BIBIGYAN ng ayuda ng Department of Foreign Affairs mag-asawang overseas Filipino workers na nalunod sa kanilang honeymoon sa Maldives.

Ito ang ipinahayag ni DFA Secretary Teodoro Locsin makaraang makipagkita sa mga kamag-anak ng mag asawang nasawi na sina Leomer and Erika Joyce Lagradilla, 30 at 29, kapwa nurse.

Nangako si Locsin sa pamilya ng mga biktima na tutulungan nilang maiuwi sa lalong madaling panahon ang mga labi ng mga ito.

Nag-snorkle ang dalawa sa Dhiffushi Island noong Enero 13 nang malunod.

Read more...