3 nalitson sa sunog

TATLO ang nasawi matapos sumiklab ang sunog sa dalawang palapag na bahay sa Sampaloc, Maynila, kaninang umaga, ayon sa Manila Fire District.

Kinalala ang mga biktima na sina Lynrose Valentin, 50; Jordan Valentin, 26; at Genry Tropicales, 17.

Sinabi ni Senior Fire Insp. Reden Alumno na nakulong ang tatlong biktima sa ikalawang palapag ng bahay sa Doña Maria st., Sampaloc, Maynila.

Idinagdag ni Alumno na nakalabas naman ang isa pang nakatira sa bahay na si Roselyn Salcedo, 19.

Sinabi ni Alumno na nagsimula ang sunog sa kisame ng unang palapag alas-6:17 ng umaga at naapula makaraan ang 30 minuto.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa sunog.

Inaalam pa ang kabuuang halaga ng natupok na ari-arian. —

Read more...