Angel ayaw magkaroon ng title sa showbiz: Ang feeling ko po kasi, hindi ako deserve 'yun | Bandera

Angel ayaw magkaroon ng title sa showbiz: Ang feeling ko po kasi, hindi ako deserve ‘yun

Ervin Santiago |January 16,2019
facebook
share this

Angel ayaw magkaroon ng title sa showbiz: Ang feeling ko po kasi, hindi ako deserve ‘yun

Ervin Santiago - January 16, 2019 - 12:01 AM


AYAW pala ni Angel Locsin ng may titulong ikinakabit sa kanyang pangalan. Ito’y sa kabila ng katotohanang napakarami na niyang napatunayan bilang aktres.

Sa solo presscon ni Angel para sa bago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang The General’s Daughter, napag-usapan ang tungkol sa mga title ng mga kilalang celebrity. Sa mga sikat na artista kasi ngayon, parang siya lang ang walang titulo.

Sa trailer ng The General’s Daughter, ang ginawang pagpapakilala sa kanya ay “ang nag-iisang Angel Locsin” kaya ang tanong ng madlang pipol, bakit nga ba wala pa rin siyang title hanggang ngayon.

Narito ang sagot ni Angel, “‘Yung mga ‘queen,’ ‘yung mga titles, wala akong title hanggang ngayon. Parang itong plug (ng TGD) naiilang ako sa ‘She is back’ tapos Angel Locsin. Parang one week yata bago ko siya nai-repost. Feeling ko kasi hindi ko deserve.”

Ayon kay Angel, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na halos lahat ng mga artistang iniidolo niya ay magsasama-sama sa bago niyang serye.

“‘Yung mga iniidolo ko na artista noong nagsisimula pa lang ako noong hindi pa ako artista, hindi ko naman akalain na sabay-sabay sa isang show pagsama-samahin at makakatrabaho ko sila, makikita ko sila, makakasama ko sila sa set everyday. Iba yung shock!” aniya pa.

Mapapanood na ang The General’s Daughter simula Jan. 21 sa ABS-CBN Primetime Bida.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending