Reklamo ng mga fans ni Julie Anne: Sumosobra na kayo! | Bandera

Reklamo ng mga fans ni Julie Anne: Sumosobra na kayo!

Alex Brosas - January 16, 2019 - 12:01 AM


NA-BASH si Lolit Solis ng fans ni Julie Anne San Jose.

Sa caption niya kasi sa photo nina Julie at Christian Bautista ay tila inilaglag niya si Julie Anne, bagay na hindi nagustuhan ng fans ng dalaga.

“Isa sa hindi pa fully napapansin ang performance at presence sa stage ay si Julie Anne San Jose. Nagtataka ako dahil nasa kanya lahat ng quality ng isang singer na dapat nasa kategorya na nila Regine Velasquez at Sarah Geronimo, may solid backing din siya ng GMA, at kahit saan ko makita mag-perform, in perfect form siya talaga.

“Maganda, sexy, mahusay ang PR, timing na lang hihintayin. Meron silang concert tour nila Christian Bautista, Tekla at Donita Nose kasama ang the Clashers na magsisimula sa Iloilo at Cagayan de Oro at iikot na sa buong mundo. Ang Fun Night Only na talagang magpapakita na kayang-kaya nila ang magtagumpay sa concert scene, Fun Night Only.”

‘Yan ang caption ni Lolit na nagpainit ng ulo ng fans ni Julie Anne.

“Bakit ho PAULIT ULIT na lang kau pag pumupunta sa PRESSCON ni Julie at may paganito kau? Hindi pa ba sapat ang DIAMOND ALBUM, 30 AWARDS NYA, SOLD OUT CONCERTS, YOUTUBE MILLION VIEWS, MULTIPLE #1 SA ITUNES, MILLION STREAMING SA SPOTIFY?!

“Ano ho problema nyo kay JULIE?! SUMUSOBRA na ang pagpababa nyo kay JULIE! MARAMI SYA NAPATUNAYAN. RESEARCH NMAN MINSAN. WAG NYO NMAN IDESCREDIT MGA NAACHIEVE NYA SA CAREER. GRABE KAYO! GODBLESS!” wailed one fan.

“TAMA PAULIT ULIT SA HINDI NAPAPANSIN. SANDAMAKMAK NA ANG AWARDS AT RECOGNITION AT SOLD OUT CONCERTS YAN PAREN SINASABE!!!

“@akosilolitsolis SEARCH NYO PO WIKIPEDIA NI JULIE ANNE PARA UPDATED KYO SA MGA NARATING NYA sa kanyang career,” wailed another fan of Julie Anne.

Any comment, Lolit?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending