Kris: Hindi ko kaaway ang mga Duterte

KRIS AQUINO AT RODY DUTERTE

BAKIT ba hanggang ngayon ay wala pa ring sagot si Nicko Falcis sa hinihinging proper accounting ni Kris Aquino sa P40 million investment niya sa Nacho Bimby + Potato Corner na ipinagkatiwala sa kanya?

Si Nicko ang dating managing director ng KCA Productions na sinampahan ng kasong 44 counts of qualified theft ni Kris dahil sa paggamit diumano ng credit card na pag-aari ng KCAP.

Base sa pahayag ni Kris ay noong Setyembre, 2018 pa niya hinihingi ang accounting report pero hanggang ngayon ay wala pa ring ibinibigay ang dating business associate. Ang abogadong kapatid ni Nicko na si Atty. Jesus Falcis ang sumagot tungkol sa nasabing investment.

Aniya, “Ang investment, hindi naman niya basta-basta ma-pullout. Ang investment, makikita mo naman kung na-invest talaga. Paano mo malalaman kung na-invest talaga?

“May physical store or may physical product. Ilang branches ang Nacho Bimby? Ilang mga or profitability per month nu’ng mga businesses nila together? Alam niya yun.

“Walang nawala sa investment niya. Ang investment niya, nasa totoong buhay. Pumunta siya sa Promenade (Greenhills) Nacho Bimby, pumunta siya sa Gateway (Mall, Cubao), pumunta siya sa Robinsons Magnolia (Quezon City). Nandu’n ang Nacho Bimby, puntahan niya. Makialam siya sa business,” sabi ng abogado.

Tila hindi nagest ni Atty. Jesus ang punto ni Kris dahil hindi naman niya pinu-pull out ang P40 million investment, ang hinihindi niya ay ang accounting report ni Nicko.

Hindi rin inaalam ni Kris kung may physical store o physical product ang kanyang negosyo at higit sa lahat, bakit ang CEO at Presidente ng KCAP ang kailangang pumunta sa mga nabanggit na lugar para magtanong kung kumita ito, hindi ba’t responsibilidad nga iyon ni Nicko noong hindi pa sila nagkakasira?

Ayaw naming isiping inililigaw ng Falcis brothers ang publiko dahil may bago na naman silang isyung binuksan – na pinondohan daw ni Kris ang boosting ng anti-Duterte bloggers kabilang na ang Pinoy Ako Blog o ang PAB ni Jover Laurio.

Nasagot na ito ni Kris last week, “In case burahin: airport bound, @stevearaq the unvarnished truth: I gave Nicko money to boost, with zero knowledge of my brother, when my brother went to Congress to protect him from all trolls.

“Why? Para makabawi. Because I was negotiating several contracts and didn’t want to go w/ him to the Sandiganbayan. I lacked courage to stand with him. I knew ayaw niya yu’n (social media campaigns, he is an idealist) so palihim kong ginawa. That’s why my brother had never met Nicko.

“My instructions to Nicko were always clear—kaibigan ko si Bong Go, hindi ko kaaway ang mga Duterte, never attack the Duterte family especially Kitty, wala akong issue sa Marcos children, katuwang ko si Bongbong sa kasal nina Toni & Paul (Soriano), law firm ni Liza Marcos ang nag handle at nagpapanalo ng annulment ko.”

Ngayon, ibabalik namin ang tanong kay Nicko, nasaan na po ang accounting report ng P40 million?

Read more...