Bagong kasal nalunod habang nasa honeymoon sa Maldives

PATAY ang bagong kasal na Pinoy matapos malunod habang nagha-honeymoon sa Maldives, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa isang pahayag, sinabi ng DFA na iniulat ng mga lokal na otoridad na mga panauhin ang 29-anyos na babae at 30-anyos na lalaki sa isang resort sa Dhiffushi Island nang malunod habang nagi-snorkeling noong Linggo.

Ni-rescue ng mga manggagawa ng resort ang mag-asawa, bagamat dead on arrival sa isang lokal na ospital, ayon pa sa DFA.

Nagpaabot na ng pakikiramay ang DFA sa pamilya ng mga biktima.

Tiniyak din ng DFA na aayudahan ang mga biktima para maibalik ang kanilang mga labi sa bansa.

Ikinasal ang mag-asawa noong Disyembre 18, 2018 at umalis ng Maynila para sa kanilang honeymoon noong Enero 9. Kapwa taga Laguna ang mga biktima.

Read more...