Enchong inatake ng dikya sa dagat ng Bataan, braso napuruhan

“I NEED to do something and be careful next time.”

‘Yan ang pahayag ng Kapamilya actor na si Enchong Dee matapos madikitan ng jellyfish o dikya habang nagsu-swimming.

Nagbakasyon ang binata sa isang beach sa Mariveles, Bataan nitong weekend at ibinalita nga niya sa kanyang social media followers na inatake siya roon ng jellyfish.

Nag-post si Enchong ng video sa Instagram kung saan makikita ang sugatan niyang braso na siyang napuruhan ng pagdikit sa kanya ng dikya. Aniya, sa susunod daw ay talagang mag-iingat na siya.

“I wonder if there’s an actual anti-jellyfish lotion out there that works?… i love the water so much that i don’t mind being stung but when it keeps you awake at night because it’s itchy… i need to do something and be careful next time,” ang caption niya sa kanyang IG video.

Ayon sa ulat, may mga uri ng dikya sa dagat na nakamamatay, tulad na lang ng Sea Wasp Box jellyfish.

Kung matatandaan, noong 2014, isinugod sa ospital si Anne Curtis matapos madikitan ng Box Jellyfish habang nagte-taping para sa teleseryeng Dyesebel sa isang beach resort sa Batangas.

Read more...