Sharon sa love story nina KC at Pierre: Feeling ko magkakatuluyan naman…

PIERRE PASSART AT KC CONCEPCION

IPINAGDARASAL ni Megastar Sharon Cuneta na sana’y magkatuluyan na nga ang anak na si KC Concepcion at boyfriend nitong si Pierre Emmanuel Plassart.

Saludo ang singer-actress sa pagiging good influence ni Pierre sa kanyang anak kaya magkatuluyan man o hindi ang dalawa ay hindi magbabago ang pagrespeto niya sa French filmmaker.

Sa kanyang Instagram Story, ibinandera ng Megastar ang pagmamahal niya sa boyfriend ni KC. Aniya, “KC and I are perfectly fine. I love my baby girl so much. Pierre has been such a great man and influence to KC and he’s really part of the family.

“Whether magkatuluyan sila o hindi, he’s already part of our family na. Pero feeling ko, mukha naman,” natatawa at kinikilig na pahayag pa ni Sharon.

Hirit pa niya, “Nagbalikan kasi kaya they realized how much they missed each other.”

Kung matatandaan, nag-break sina KC at Pierre five years ago dahil hindi nila kinaya ang long distance relationship. Pero nitong August, 2018 mismong si KC ang nagbalita sa madlang pipol na nagkabalikan na sila ni Pierre.

Samantala, humingi naman ng dispensa si Sharon sa kanyang fans dahil hindi na siya masyadong active sa social media mula pa noong Disyembre.

“I’m recovering from so much and preparing myself for so much more to come.

“I got sick, I’ve been so stressed and sad, a little bit sad… but I’m happy because we had a break from shooting. Last year kasi parang dalawang taon isiniksik sa isang taon.

“I’m recovering from so much. I’ll be back to work soon.”

Read more...