MARAMI man ang nang-okray sa pagkanta ng TNT Boys sa Pambansang Awit ng Pilipinas, may mga nagtanggol din naman sa kanila sa social media.
Sina Keifer Sanchez, Mackie Empuerto at Francis Concepcion ng TNT Boys ang naatasang kumanta ng “Lupang Hinirang” sa opening ceremony ng Philippine Basketball Association (PBA) 44th season na ginanap sa Philippine Arena sa Bulacan last Sunday.
Ayon sa ilang mga nakapanood ng nasabing PBA event, hindi masyadong impressive ang performance ng tatlong bagets. Sey ni @iamgracielannn, “Anyare sa TNT Boys? Di nila alam kinakanta nila? o kinakabahan?”
Komento naman ni @pucherrific, “TNT Boys had a hard time finishing smoothly the invocation song. Anyare?”
Agad namang ipinagtanggol ng ilang fans ang TNT Boys. Pahayag ng isang netizen, “Sobrang nakakaproud silang tatlo. Yung may technical issue, yung mic ni Francis di gumagana sa umpisa, kuya Mackie pinagpapalit nya mic nila kapag turn na ni Francis, tapos makikita mong nagtutulongan talaga sila. Nakakaiyak sa sobrang proud at saya!”
“Oo napiyok si bunso kanina. O, e ano naman? Hindi naman nasusukat ang galing sa pagbirit lang try n’yong pakinggan mabuti yung blending yung runs yung puso nila sa pagkanta. Hindi yung nakafocus kayo kung saan pwede silang magkamali.”
Sa pamamagitan ng kanilang official Twitter account, nag-post ng mensahe ang grupo bilang sagot sa lahat ng bashers. Anila, “Hey it’s okay friends! We practiced for this event. But we did what we were asked for the invocation last minute. We’re reading all your suggestions and we’ll be better next time! Much love.”
Narito ang ilan pang komento ng mga netizens, “It takes a different level of maturity to own up to your mistake. You owe no one an explanation. You still did great today, boys! Nothing to be ashamed of.”
“No worries boy! We love you three so much and we ALWAYS believe in your capabalities and strengths. We are and we will forever be proud of you!”
“No matter what happens, no matter what they say I still love you, boys, can say anything but proud and I’ll never get tired to applause ur work. Keep going. Love you TNT boys.”
“We love you babies. Haters gonna hate. Di natin mapipigilan yan. We all know the truth and we will support you all the way boys. Andito labg kami mga ates titas abd mommies to back you up.”