Bilang ng mga nabu-bully sa paaralan ilabas- solon

HUMIHINGI ang isang solon sa Department of Education ng listahan ng mga kaso ng bullying sa mga eskuwelahan.

Ayon kay 1-Ang Edukasyon Rep. Bong Belaro mahalaga na malaman kung gaano kalaki ang problema ng bullying sa mga paaralan matapos ang insidente sa Ateneo de Manila Junior High School at pagpapakamatay umano isang na-bully sa Las Pinas.

“We want to know the full extent of this problem based on reported cases. That data must of course include action taken by the teachers and principals,” ani Belaro.

Sinabi ni Belaro na dapat matukoy din kung epektibo ang polisiya laban sa bullying.

“We want to know whether the principals and teachers are firm in their defense of the children’s welfare or whether they cower to the demands of overbearing parents,” saad ng solon. “The guidance counselors should have the technical expertise to handle bullying and child protection situations.”

Dapat din umanong magkaroon ng in-service training ang mga guro upang mahawakan ng tama ang mga ganitong kaso.

“IIf the education department feels it is undermanned, it should ask the DSWD for social workers deployed, detailed, or seconded to the public schools, particularly the larger ones with student populations of 1,000 or more.”

Read more...