“GUSTO ko talagang i-try na maging Valentina!” Ito ang i-namin ni Angel Loscin sa nakaraang presscon ng bago niyang primetime series na The General’s Daughter sa ABS-CBN.
Bago pa man daw i-announce ng Star Cinema na siya ang bibida sa bagong movie version ng “Darna” ay sinabi na niya na nais niyang maging isa sa mga kontrabida ni Darna.
“Sinabi ko naman talaga sa kanila noon pa na baka it’s time na ibigay sa iba. Nagsabi pa nga ako na gusto ko ma-ging Valentina noon, ayaw nila. Hindi nila tinanggap. Bago pa ito, bago pa namin i-announce na gagawin ang Darna sa ABS-CBN,” pahayag ni Angel.
Ayon pa sa Kapamilya actress, noong ibinigay sa kanya ang “Darna”, nagkasundo sila ng mga bossing ng ABS-CBN na hindi muna siya gagawa ng teleserye habang nagsu-shooting.
“Noong gagawin ko po dapat yung Darna, meron kaming agreement ng ABS na hindi ako tatanggap ng ibang project hangga’t ginagawa pa yung Darna. Dahil umabot nga po tayo ng lampas limang taon yata, yung preparation ng Darna, nadelay nang nadelay.
“Though nakakagawa ako ng guestings, ng pelikula, pero yung teleserye, not allowed. At may agreement naman po kami sa ganun kasi mahirap. Very physical at saka yung schedule na kailangan, medyo challenge kaya natagalan nga siya,” paliwanag pa ng dalaga.
Ngunit hindi na nga ito natuloy dahil sa disc bulge sa kanyang spine. Pinalitan siya ni Liza Soberano sa nasabing proyekto.
Samantala, pumayag naman si Angel na gawin ang action-drama series na The General’s Daughter kung saan kailangan niya ring gawin ang mga delikadong stunts at fight scenes. Bakit napapayag siyang mag-aksyon uli sa kabila ng mga pinagdaanan niya?
“Alam mo yung meron kang unfinished, o meron kang kinukwestiyon sa sarili mo na gusto mong i-prove. Gusto ko ring i-prove sa sarili ko na kaya ko and ang dami kasing nagme-message sa akin sa Instagram, sa Twitter na same condition, nahihirapan sila.
“Maybe, kapag nakita nila na kapag kaya, medyo matagal na naman, baka mabuhayan din sila ng loob na hindi pala, hindi pala end ito ng activities ko, kailangan ko lang maging extra careful,” ani Angel.
Samantala, ngayon pa lang ay inaabangan na ang pagsisimula ng The General’s Daughter. Dito muling ipamamalas ni Angel ang kanyang galing sa drama at aksyon bilang si Rhian Bonifacio, ang anak ng heneral na hinubog upang patayin ang mortal na kaaway ng kanyang pamilya.
Ngunit ang hindi niya alam, ang buhay niya ay puno ng kasinungalingan dahil ang tao kanyang kinamumuhian ay ang kanya palang tunay na ama.
Asahan ang mas matapang at mapangahas na Angel sa kanyang bagong serye. Makikipagsabayan din siya sa mga beternanong aktor gaya nina Maricel Soriano, Tirso Cruz III at Albert Martinez.
Makakasama rin dito sina Eula Valdez, Janice de Belen, Paulo Avelino, JC De Vera, Arjo Atayde, Ryza Cenon, Ronnie Alonte at Loisa Andalio, sa direksyon nina Manny Palo at Mervyn Brondial. Ito ang papalit sa magtatapos nang Ngayon At Kailanman.
q q q
Samantala, tinupad naman ni Angel ang isa sa mga pangarap na tatay na niya, ang magkaroon ng property sa harap ng dagat.
Nag-post ang dalaga sa Instagram ng litrato nila ng amang si Angelo Colmenares kasama ang mga kapatid na kuha sa isang beach sa Talisayen Cove, Zambales.
Caption ni Angel, “Little by little, I’m ALMOST there to fulfill my father’s and now, my dream as well, to have a place where we can spend time as a family while being able to preserve the beauty of nature.
“I don’t post stuff like this, but this became possible BECAUSE OF YOU guys so I feel you deserve to know that by gi-ving me a chance in this world, your kindness and love has done wonders to our lives.”
Aniya sa isa pang panayam, “Si Daddy ang may gusto talaga. Ayoko kasi, gusto ko ng farm. Si Daddy yung nagsabi sa akin. Hindi ako makapag-no sa tatay ko kasi mahilig siya sa mga ganu’n, e.”