SA dinami-rami ng mga equally deserving or even better than our very own Philippine bet sa 47th Miss Intercontinental pageant, agree kami sa mga nagsabing “hometown decision” na ibigay kay Karen Gallman ang dalawang special awards sa naganap na press presentation kamakailan.
Matatanggap pa namin ‘yung tinanggap niyang Media Favorite award (kahit parang pilit), pero yung Stand-Out Beauty ay tila obvious na, lalo pa’t mas maraming standout candidates sa batch ngayon gaya nina Miss Paraguay, Miss Colombia, Miss Malaysia, Miss Thailand at iba pang mga Latin American beauties.
Hindi natin masisisi yung mga bumoto sa ating pambato, pero sadyang may limitasyon talaga ang isang kandidata ng host country. Masyadong “luto” ang da-ting.
But the again, baka gimik lang ito ng mga organizers para mas mapag-u-sapan ang pageant o di kaya’y makundisyon ang utak ng mga tao na keri naman talaga ni Karen na manalo.
Sa Jan. 26 na gaganapin ang finals night ng Miss Intercontinental kaya abangan na lang natin ang mga susunod na kabanata at sana nga’y maipakita natin sa buong mundo na patas ang mga Pilipino sa kahit anong laban. Kaya kay Karen, break a leg gurl!
q q q
Kung kami si Kris Aquino, pag-aaralan talaga namin kung paano kontrolin ang kadaldalan at pagpi-feeling superior lalo na’t mukhang palaban din ang taong kinasuhan niya.
Sa nangyayari ngayon kay Kris, mas makabubu-ting piliin lang niya kung ano ang ibabandera sa social media dahil baka sa ending ay mag-boomerang sa kanya ang lahat ng ibinabato niyang kasalanan ng mga kaaway niya.
Lahat na lang yata ng aspeto ng buhay niya ay napag-usapan na at nitong napapadalas na ang posting niya ng mga ganap niya sa ospital, parang nagmamakaawa na tuloy siya sa paghingi ng suporta at simpatya mula sa madlang people.
Ano pa nga ba naman ang isyung hindi nagamit o ginamit (sinadya man o hindi) ng isang Kris Aquino – mula personal na buhay, sa kanyang mga anak, sa lovelife, mga break-up, u-sapin ng yaman, kapangyarihan, impluwensya, asawa, mga ex-dyowa, hanggang sa mga sakit niya ngayon.
Hindi naman masama ang pagpapakatotoo, pero kung sobra-sobra na sa hinihingi ng pagkakataon, baka sa halip na magtagumpay siya sa kanyang mga laban sa buhay ay ito pa ang ikapahamak at ikalagapak niya sa ending.