Regine: Ang daming tinatanong ni Sarah sa akin tungkol sa pag-aasawa

SARAH GERONIMO AT REGINE VELASQUEZ

NAGTATANONG na si Sarah Geronimo tungkol sa pagpapakasal at pag-aasawa sa kanyang idol na si Regine Velasquez.

Sa last episode ng ASAP Natin ‘To biniro ng Asia’s Songbird ang Pop Royalty about getting married. Talagang nagsigawan ang audience habang isinisigaw ang pangalan nina Sarah at Matteo Guidicelli.

Kumalat kasi ang balita na engaged na sina Sarah at Matteo ma-tapos mag-viral ang litrato ng singer-actress na may suot na tila engagement ring.

Sa panayam ng ABS-CBN, natanong si Regine kung may alam siya tungkol sa napapabalitang pagpapakasal ng Kapamilya couple dahil nga siya ang nanguna sa panunukso kay Sarah.

“Wala lang niloloko ko lang kasi kinikilig ako sa kanila, eh si mother (Mommy Divine) nandu’n sa harap ko, tawa lang siya nang tawa,” paliwanag ni Regine.

Knows ba niya kung totoong engaged na sina Sarah at Matteo? “Hindi ko alam, wala namang sinasabi. If that were true, I would have known. She’d tell me. She’d ask me first. Kasi ganu’n yun eh.”

Dito na inamin ng Songbird na nagtatanong-tanong na raw si Sarah sa kanya tungkol sa pagpapakasal, “We talk about it, I tell her, she is at the right age naman na, marrying age na siya.

“Siyempre inexperienced siya, ang dami niyang tinatanong sa akin about getting married, being in a relationship,” chika pa ni Regine.

Hirit pa ng Songbird, kung may kasalan mang magaganap, sigurado raw siya na kukunin siyang ninang nina Sarah at Matteo.

 

Read more...