Angel inalagaan nang bonggang-bongga sa The General’s Daughter


ANG pagbabalik ng nag-iisang Angel Locsin! Napakasarap sa pandinig ng linyang ginamit ng Dreamscape Productions sa muling pagbibida sa telebisyon ng aktres sa hinihintay nang The General’s Daughter.

Ganu’n katinding importansiya ang ibinigay kay Angel Locsin ng ABS-CBN. Panay-panay ang pagpapalabas ng teaser ng seryeng papalit sa Ngayon At Kailanman na hanggang sa Biyernes na lang mapapanood.

Ang ganda-ganda ni Angel sa lahat ng shots, alagang-alaga siya ng mga camera, ngayon pa lang ay hawak na sa leeg ng The General’s Daughter ang manonood sa laki ng casting nila.

Isang dahilan na naman ang seryeng ito para mainis nang todo ang mga kababayan natin dahil sa matinding traffic. Kaila-ngang masimulan ang serye para hindi tayo maligaw sa pagsubaybay. Mahalaga ang unang sultada ng bawat serye dahil du’n nag-uugat ang daloy ng istorya.

Natuto na kami, sa halip na ma-stress sa matinding traffic gabi-gabi ay namuhunan na kami ng recorder, tatlong serye ang ipinate-tape namin na nagsisimula sa Ang Probinsyano.

Pinanonood namin ang tatlong sunud-sunod na serye ng ABS-CBN bago kami matulog. Wala pang patalastas, tuluy-tuloy ang mga eksena, hindi pa kami naiinis gabi-gabi sa pagiging traffic capital of the world ng Pilipinas.

Read more...