Iza, Alice parehong mamamatay sa Ngayon At Kailanman?

IZA CALZADO AT ALICE DIXSON

HULING  linggo na ngayon ng Ngayon At Kailanman nina Joshua Garcia at Julia Barretto at kung kailan naman malapit na itong matapos ay saka naman dumagdag ang bagong problema ni Iza Calzado (Rebecca) matapos silang mag-away ni Eva (Julia) dahil kay Inno (Joshua).

Sa nakaraang episode ay napawalang-sala si Stella (Alice Dixson) kaya nanggigil sa galit si Rebecca at napagbalingan si Eva. Tigilan na raw nito ang pakikipagkita kay Inno na anak ng taong pumatay kay Rodrigo (TJ Trinidad) na ama naman ng dalaga.

Magkasama ngayon sina Inno at Eva bagay na ipinag-aalala nina Rio Locsin (Rosa) at pamilya nito dahil baka nga may mangyaring masama ngayong nakalaya na si Stella.

Aliw ang mga nanonood dahil hula nila ay parehong mamamatay sina Rebecca at Stella. Feeling din ng viewers ay mamamatay si Oliver (Jameson Blake) dahil sa pinagdaraanan nito.

Abangan ang natitirang limang gabi ng Ngayon At Kailanman sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Read more...