MAY bagong aabangan ang loyal fans ni Yasmien Kurdi. Siya ang bibida sa bagong drama series ng GMA na Hiram Na Anak.
Matapos ang kanyang top-rating advocaserye na Hindi Ko Kayang Iwan Ka, muling pinagkatiwalaan ng Kapuso Network ang magaling na aktres para sa proyektong ito.
Makakasama ni Yasmien sa upcoming Kapuso series sina Paolo Contis, Dion Ignacio, Lauren Young, Maey Bautista at Leanne Bautista.
Handang-handa na nga si Yasmien na sumabak sa taping at looking forward siya sa balik-tambalan nila ni Dion, “Exciting siya kasi after 10 years, magkakasama uli kami ni Dion. Ang last show namin ay yung Saan Darating Ang Umaga. Medyo gamay na namin ang isa’t isa. First time ko rin na makakatrabaho si Lauren.”
Ang Hiram Na Anak ay sa direksyon ni Gil Tejada, Jr. at malapit nang mapanood sa GMA.