ISA nang ganap na recor-ding star si Ken Chan matapos pumirma ng kontrata sa GMA Music. Ito ay para sa duet nila ni Rita Daniela na “Almusal.”
Si Rita ang love interest ni Ken sa top-rating Afternoon Prime soap na My Special Tatay. Patok na patok sa netizens at avid viewers ng serye ang loveteam nila bilang sina Boyet at Aubrey o mas kilala ngayon bilang BoBrey.
Talagang maganda ang pasok ng 2019 kay Ken dahil bukod sa pagiging recording artist, patuloy pa ring sinusubaybayan ang mas lalo pang gumagandang kwento ng My Special Tatay.
May ilan pa ngang netizens ang gumagaya sa pagganap niya bilang si Boyet. Kaya naman masayang-masaya si Ken dahil kahit saan siya magpunta, ang tawag na sa kanya ng mga tao ay Boyet.
Talagang minamahal at tinututukan pa rin hanggang ngayon ng sambayanan ang kwento ng My Special Tatay pati na rin ng tambalan nila ni Rita kaya hindi nakapagtataka ang patuloy na pag-arangkada nito sa TV ratings.