Ricci Rivero negang-nega dahil sa maangas na sagot tungkol kay Liza; tinawag na ‘jinx’

AGREE rin kami sa naging obserbasyon ng marami na tila nag-boomerang sa baguhang aktor at atletang si Ricci Rivero ang may kahambugang sagot nito sa isang interview kung papayag ba siyang maging leading man ni Liza Soberano o di kaya’y maging third party sa tambalang LizQuen.

Sa naging sagot kasi nitong “pass” at “depende sa schedule ko” ay maraming naangasan sa binata lalo pa’t bagong pasok pa lang siya sa showbiz at wala pang napapatunayan.

Maaaring sikat siya sa social media dahil sa pagiging basketball player, pero mukhang hindi napayuhan ang batang ito kung paano ang kalakaran sa showbiz partikular na ang pagsagot sa mga tanong ng press.

Kasama si Ricci sa 2018 MMFF entry na “OTLUM” na isa sa mga pelikulang natanggal agad sa mga sinehan nang magsimula ang festival kaya may mga nagsabi na baka raw siya ang jinx o malas kaya hindi masyadong sinuwerte sa ta-kilya ang pelikula.

Again, hindi masama ang magpakatotoo at maging honest pero dapat maging sensitive rin tayo sa mga sinasabi natin para iwas nega at intriga.

Read more...