Angelica sa sumira ng relasyon nila ni Carlo: Saan ba ako nagkulang…bakit kayo nananakit?

By Ervin Santiago January 13,2019
share this

Angelica sa sumira ng relasyon nila ni Carlo: Saan ba ako nagkulang…bakit kayo nananakit?

By Ervin Santiago January 13,2019
share this

ANGELICA PANGANIBAN AT CARLO AQUINO

“SAAN ba ako nagkulang…bakit kayo nananakit?!” Yan ang bagong hugot ni Angelica Panganiban sa lahat ng mga bashers na sumisira sa relasyon nila ni Carlo Aquino.

Malalim ang pinaghuhugutan ng Kapamilya actress kaya naman nagdesisyon na siyang iwasan si Carlo para sa ikatatahimik ng lahat. Titigilan na rin niya ang pagse-share sa social media ng anumang tungkol sa kanila ng aktor.

Maraming CarGel fans ang nagpayo kay Angelica na huwag nang pansinin ang mga bashers at ayusin na lang nila ni Carlo kung anuman ang naging problema. Mas marami pa rin naman daw ang mga taong nagmamahal sa kanila kesa sa mga naninira.

Kamakailan, nag-post si Angelica sa kanyang social media account tungkol sa relasyon nila ni Carlo kung saan pinatamaan nga niya ang mga taong walang ginawa kundi ang mangnega sa kanya.

“Maayos naman samahan namin. Sinira niyo lang. Sana masaya na kayo. Sana din matuwa idol niyo sa pag-iwas ko sa kanya at malagay siya sa tahimik. Ako pala kasi sumisira sa idol ninyo. Enjoy 2019!” ang mensahe ni Angelica.

Kasunod nito, nag-tweet uli siya at nangakong lalayo na siya kay Carlo para sa ikatatahimik ng lahat ng mga taong nakikialam sa kanila.

“Saan ba ako nagkulang? Pinapasok ko naman kayo sa buhay ko. Bakit kayo nananakit? Didistansya lang naman. Nababahiran na kasi ng ka-showbizan. Para sa ikakabuti na din ng lahat,” hugot pa ng dalaga.

Hirit pa niya, “Anong pinagkaiba ng bullies sa bashers? Gusto ko malaman. Para makatulog na ‘ko… May trabaho na ‘ko in a while eh.”

Na-touch naman ang aktres sa mga netizen na nag-post ng pakikisimpatya sa pinagdaraanan niya at nagsabing kung ano ang nasa puso niya, ‘yun ang sundin niya at huwag magpadikta sa mga bashers.

Tugon naman ng dalaga, “Salamat. Salamat sa lakas ng loob sa panahong kinakailangan. Tao lang din ako. May pangangailangan din. Kaya. Salamat.”

Isa pang netizen ang nagkomento na sana’y maayos pa ang relasyon nila ni Carlo na sinagot naman ni Angelica ng, “Walang aayusin sa ‘min. Wala na kayong maririnig from now on tungkol sa ‘min. Magdadamot na ‘ko.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending