KIM CHIU sising-sisi sa pagkamatay ng nanay, wala pa ring tigil sa pag-iyak

OPEN secret sa mga nakakakilala kay Kim Chiu na she’s not really close to her mom. Maraming beses na meron siyang opportunity to be close to her but she chose not to. Ewan kung ano ang naging kasalanan ng madir ni Kim at mukhang hindi siya mapatawad ng anak.

There was even a time daw in her interview para sa magazine ng Dos na she reportedly told the writer na kahit na ano ang mangyari ay hinding-hindi niya type makita ang kanyang mother dear.

Siyempre, shocked ang beauty ng writer dahil bakit nga naman ganoon katindi ang galit ni Kim sa kanyang ina. And when Kim’s mom died, marami ang nagulat nang bigla raw naging emotional ang young actress.

They thought that Kim was a woman of steel at hindi pupunta sa burol ng ina. But miracles of miracles, Kim came at talagang she was very emotional. As it is, hindi rin niya kinalimutan na makapunta sa libing ng kanyang mother.

Probably, Kim has realized that she made a big mistake, too, when she distanced herself from her mom. But it was way, way too late for her to make amends, dahil wala na nga ang kanyang ina.

Sure kami na sising-sisi ang young actress na sinasabing grabe pa rin ang pag-iyak ngayon matapos ngang maibiling ang kanyang ina.

Anyway, Kim is busy again finishing her latest movie with Xian Lim, siguro kailangan talagang magpaka-busy siya ngayon para mabawasan ang kalungkutan niya.

Read more...