Isa sa pinakasikat na manlalaro sa kasaysayan ng PBA si Fortunato “Atoy” Co, Jr. Noong dekada ‘70 at ‘80, siya ay kilala bilang sharpshooter ng Philippine basketball. Binansagang “Fortune Cookie”, si Atoy ang kauna-unahang PBA player na nakapagtala ng 5,000 at 10,000 puntos sa liga. Ngayon ay nagbabalik siya sa basketball bilang head coach ng Mapua Cardinals sa NCAA. Sa isang eksklusibong panayam ni Eric Dimzon, inilahad ni Atoy ang kanyang nadarama sa bagong yugto ng kanyang buhay.
Ano ang pakiramdam na nakuha mo ang una mong panalo bilang collegiate coach kontra San Sebastian?
It is like winning a championship. Kasi before the start of NCAA, nagkaroon kami ng series of tune-up games. Maganda naman ‘yung tune-up kaso panay talo.
Malalakas kasi talaga ang mga nakalaban namin. Pero dikit ang mga talo namin. Kaya high hopes pa rin ako going to the NCAA. Pero after our game with JRU, we all entertained doubts on winning.
As a coach, kinailangan kong i-lift ‘yung spirits ng players ko. Na maniwala sila na kaya naming manalo. Na kapag tulung-tulong kami at di nagkanya-kanya, mananalo kami.
Going into our game with Baste, siyempre may agam-agam pa rin. Tapos, the same thing happened. Tinambakan kami ng 20 points tulad nang sa JRU.
Pero sinabi ko sa team na kaya pa rin naming humabol tulad nang ginawa namin sa JRU. This time, na-sustain naming ‘yung paghabol hanggang nanalo kami. Sabi nang ibang nakapanood, maganda raw ‘yung shuffle ng players. Natuwa naman ako.
Bakit mo tinanggap ang coaching position sa Mapua?
Alma mater ko kasi ang Mapua. I want to give back to Mapua. Sa career ko naman, eto na lang ang kulang, ang maging coach. Actually, it is more of a passion.
Mas malaki ba ang pressure na manalo ang team mo dahil dati kang sikat at magaling na PBA player?
Hindi ganun ang pag-iisip ko. Hindi naman ibig sabihin na kapag magaling kang player, magiging magaling ka ring coach.
Meron ding hindi magaling na player pero magaling na coach. Kaya walang dagdag na pressure para sa akin.
Ano ang gusto mong makita sa iyong team at sa players mo?
Discipline. Importante sa akin na makita ko ‘yung mga players ko na may disiplina. I believe that basketball to my players is their means to a better life. Gusto ko lahat ng players ko will graduate because they worked hard for it.
I want my players to realize that it is a privilege to play for Mapua. I want na maging proud sila dahil kinuha ko silang players. Hindi dahil sa malaki ang offer sa kanila. Gusto ko makakita ng player na basketball muna, hindi pera.
Istrikto ka bang coach?
I think so. Nagpapatawa ako but that is my nature. Pero istrikto ako sa practice at laro. Gusto ko pag nagsasalita ang coach, walang nagsasalita para marinig at maintindihan ang instructions.
Sa tingin mo, hanggang saan aabot ang Mapua sa kasalukuyang season ng NCAA?
Actually, now I am taking it one game at a time. Hopefully as the tournament goes on, we will improve.
Marami akong rookies at ‘yung mga sophomores ko di gaanong nabigyan ng playing time last season. As the tournament progresses, sana maging matatag ang puso nila. Sana tumibay ang loob ng players ko.
If my players play with a lot of heart, I think we have a good chance at the Final Four. I’ll be the happiest coach if we make the Final Four.
Anong team sa tingin mo ang mahirap talunin sa kasalukuyang season ng NCAA?
Actually, sa tingin ko, Perpetual pa eh. Nakikita ko kasi ‘yung potential ng Perpetual.
May susunod kaya sa mga yapak mo sa mga players mo ngayon?
Ako, I’ll be happy to see some of my players make it to the PBA. Ang isang nakakasira sa magaling na coach eh ‘yung sobrang expectations sa players niya.
Mahirap mag-expect na ‘yung mga players ko na maglaro nang tulad ko. But I give them tips on how to improve their game. Kahit ‘yung fadeaway shot ko, tinuturo ko sa kanila.
Hindi ako maramot sa pagbibigay ng tulong kung paano ma-improve ‘yung game ng players ko. I see three or four of my players making it to the PBA.