Horoscope, January 12, 2019

By Madam Sophia January 12,2019
share this

Horoscope, January 12, 2019

By Madam Sophia January 12,2019
share this

Para sa may kaarawan ngayon: Upang maraming suwerteng dumating pahalagahan ang ispiritual na bahagi ng buhay. Sa taong ito ay ugaliing magdasal tuwing umaga upang lalo pang dumami ang pera. Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo sa isang bahay dalanginan. Mapalad ang 7, 13, 22, 31, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bhagava-Om-Githa.” Blue at purple ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Sa taong ito ng 2019 ituring na ang bawat araw ay siya na ring huling araw. Sa pinansiyal, lalo mo pang pagbutihin ang pag-iipon at pagpapalago ng kabuhayan. Sa pag-ibig, ibigay sa kasuyo ang pinakamasarap na romansa. Mapalad ang 3, 18, 27, 27, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Surya-Aum-Aum-Surya.” Violet at lilac ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Kapag muling nakahawak ng malaking halaga ay unahing maglaan ng budget para sa savings bago maubos ang pera. Sa pag-ibig, simulan nang iguhit sa malinis na papel ang pangarap na house and lot ng iyong kasuyo. Mapalad ang 6, 15, 18, 27, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shanti-Om.” Blue at pink ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Wag damdamin ang pagkawala ng pera, babalik din yan! Sa buwan ng Pebrero at mas marami at mas sagana ang darating. Sa pag-ibig, habang patuloy na lumalamig ang panahon, lalong iinit ang suyuan at pagmamahalan. Mapalad ang 5, 7, 18, 24, 40, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kubera-Om.” Green at yellow ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Sa taong ito ay lakas-loob ang kailangan! Sa pananalapi, sugod nang sugod hanggang yumaman! Sa pag-ibig, hindi dapat mahiya sa kasuyo, romansahin mo nang romansahin upang matigil na ang kanyang paghihinala at pagseselos. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Mihi-Omne-Venit.” Red at green ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — May sopresang matatanggap sa taon ito mula sa mga taong nagmamahal sa iyo! Sa pinansiyal, tuloy ang pagdami ng salapi. Sa pag-ibig, ang kasalukuyan tampuhan ay magbubunga ng masarap na romansa sa susunod na mga araw. Mapalad 4, 17, 28, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Omvid-Hunam-Om.” Yellow at gold ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Kulang pa ang pagsisikap! Sa taong ito ay itodo ang mga pagkilos hanggang sa ikaw ay yumaman. Sa pag-ibig, gawing inspirasyon ang kasuyong malambing. Mapalad ang 9, 18, 27, 34, 42, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Sava-Tasya.” Red at purple ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Bigyan ng kakaibang pansin ang kasuyo upang hindi na magmaktol. Yayaing manood ng sine upang kapwa naman kayo malibang. Sa pinansiyal, sa taong ito ay tuloy ang pagdating ng salapi. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Vigraha-Ananda.” Pink at blue ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Doblehin pang lalo ang mga pagsisikap na ginawa noong nakaraang taon. Wag babagal-bagal upang mas mabilis na yumaman. Sa pag-ibig, wag susuko ang iniingatan, hindi muna ‘yan maibabalik sa sandaling napunit. Mapalad ang 7, 16, 25, 32, 39 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Manu-Ketu-Manu-Aum.” Green at yellow ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Mag-relax upang maibsan ang iniindang karamdaman. Magluto ng bangus na inihaw na ibinalot sa dahon ng saging. Sa pag-ibig, sa salo-salong pagkain, lalong magiging romantiko ang relasyon. Mapalad ang 3, 9, 12, 23, 30 at 40. : “Govinda-Rama-Rama-Govinda.” Red at violet ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Sa taong ito ay hindi masamang magkuripot kung ito ang magiging daan upang yumaman. Sa pag-ibig, bawasan ang madalas na paglilibre sa kasuyo, minsan siya naman ang dapat na maging taya. Mapalad ang 4, 12, 23, 31, 37 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Om-Garuda-Om-Arjuna.” Green at blue ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa taong ito, wag mong saktan ang iyong sarili. Hindi ka dapat magsakripsiyo sa isang taong hindi ka naman pinahahalagahan. Sa pinansiyal, tuloy ang hindi panatag na dating ng salapi kaya dapat na magtipid-tipid. Mapalad ang 9, 18, 27, 36, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Ava-Yara-Salva-Me-Om.” Orange at white ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Ihanda ang sarili! Sa taong ito ay mas malalaking suwerte ang darating lalo na sa buwan ng Abril hanggang Mayo. Sa pag-ibig, sa simula lang magiging malungkot ang taon, darating ang kalagitanaan ng taon atvmuling liligaya ang puso. Mapalad ang 7, 19, 29, 31, 36. At 41. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Aum.” Red at violet ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending