Regine, Daniel magsasama sa isang tv show

By Dominic Rea January 11,2019
share this

Regine, Daniel magsasama sa isang tv show

By Dominic Rea January 11,2019
share this
LAST year pa namin nabalitaang magkakaroon ng magandang proyekto together ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez at ang King of Hearts na si Daniel Padilla.
Ayon sa aming source, isang bonggang sitcom sa Kapamilya Network ang pagsasamahan ng dalawa.
Bagong-bago raw sa panlasa ng televiewers ang kuwento at tema ng naturang sitcom kaya naman kahit yung mga nasa production ay excited nang makatrabaho sina Regine at Daniel.
Ito na kaya ‘yung sinasabi ni Regine na sitcom na gagawin niya this year sa ABS-CBN kung saan makakasama rin ang kanyang husband na si Ogie Alcasid?
May naglabasan ng mga post sa social media about Daniel’s new project kung saan makikita ang binata na
tila nagbabasa ng script.
Kaya ang tanong nga mga fans and supporters ni Daniel kung ito na nga ‘yun? Hanggang ngayon kasi ay wala pang nagkukumpirma sa amin kung totoo ang balitang ito pero ang sigurado ay maraming “something new” na gagawin si Daniel ngayong 2019, lalo na sa pagpasok ng Year of the Pig.
Well, there’s no business like showbusiness! Yun na!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending