RCBC manager guilty ng money laundering – Makati RTC

NAPATUNAYAN ng Makati City Regional Trial Court na guilty si dating Rizal Commercial Banking Corp. branch manager Maia Santos-Deguito sa  money laundering dahil sa kanyang pagkakasangkot sa money laundering kaugnay ng $81 milyong na ninakaw ng mga hackers mula sa Bangladesh Bank noong 2016.

Pinatawan si Deguito ng pitong taong pagkabilanggo sa kada count ng money laundering o hanggang 49 taong pagkabilanggo para sa pitong counts.

Inatasan din siya na bayaran ng 200 porsiyento ng halaga ng perang sangkot sa money laundering.“The accused must be responsible of her executed acts and implemented transactions as charged and described in the subject eight criminal information,” sabi ng korte.

Read more...