Basher kay Bea Santiago: Karma yang sakit mo! Baka hindi ka na umabot ng 2020!

“KARMA” raw kay Miss International 2013 Bea Santiago ang sakit niyang CKD o chronic kidney disease. Yan ang walang takot na komento ng isang basher laban sa dating beauty queen.

Nag-post si Bea sa kanyang Instagram account ng screenshot kung saan mababasa ang harsh comment ng nasabing hater. Pero sa halip na sagutin ng masasakit at maaanghang ding salita, nagpaka-positive pa rin ang dalaga.

Dito nga siya sinabihan ng basher na baka ikamatay na niya ang kanyang sakit. Last year lang siya na-diagnose ng CKD at hindi niya itinago sa madlang pipol ang pakikilaglaban niya sa nasabing kundisyon.

Sabi sa kanya ng basher “Ikaw ang panget mo Bea. Filter queen. Karma na yang nangyayari sa yo. Baka hindi ka na umabot ng 2020. Bihira lang ang gumagaling sa sakit na yan. RIP in advance.”

Ito naman ang sagot sa kanya ni Bea, “The devil will never win. As for you an 18 year old wishing someone to die I hope you live a life full of love to cure that deadly disease of hate. Thats worst than any organ failure or cancer.

“I will never wish any of my bashers to go through what am Im going thru. Most especially those from the Philippines,” lahad ng Pinay beauty queen.

“God bless you and your family. I hope HE who is God of all can cure your hate with love,” mensahe pa ni Bea sa hater.

Sinundan pa ito ng mensahe niya para sa lahat ng kanyang followers, “Will only talk about it once. I do not tolerate hate. Will never wish bad shit to any bashers, trolls, haters, killers, rapists, drug addicts, drug pushers, corrupt men and women, dead beat dads, abusers.

“Its 2019, I promised to God, my family and to myself I will NEVER LET HATE WIN. The cure for any hatred is LOVE,” chika pa ng dalaga.

Read more...