Male performer tinraydor ng mga dating kasamahan sa musical show kaya lumipat


MAY nakarating na kuwento sa aming source na may malalim na dahilan pala kung bakit lumipat sa ibang network ang isang kilalang male singer na dating napapanood sa isang lingguhang show sa pinanggalingan niyang channel.

Pinagkaisahan pala ng kanyang mga kasamahang singers ang male singer, nu’ng una ay pinalalampas lang niya ang lahat, pero hindi na niya ‘yun kinaya nu’ng bandang huli.

Kuwento ng aming source, “Nahalata na kasi ni ____ (pangalan ng magaling na male singer) na parang pinagkakaisahan na siya ng mga kasamahan niya.

“Sa production number nila, e, ibinibigay sa kanya ang mga songs na hindi bagay sa kanya. Siyempre, sumasabit siya kung minsan dahil hindi niya naman istilo ang mga piyesang ipinakakanta sa kanya.

“Nalaman ng male singer na galing pala ang decision sa mismong mga kagrupo niya. May isang nagmamalasakit na nagsabi sa kanya na talagang pinagkakaisahan siya,” simulang chika ng aming source.

Hindi pa siya naniwala nu’ng una, hanggang sa hindi na siya isinasama sa mga shows sa ibang bansa ng tropa, basta inilalaglag na siya.

“Nu’ng ma-confirm niya na totoo nga ang kuwento, nagsabi na si male singer sa manager niya na lumipat na lang sila ng network. Hindi na raw kasi siya masaya sa show kung saan siya regular na napapanood.

“Nu’ng sinabi niya sa manager niya kung ano ang nangyayari, sinita ng manager niya ang mga namamahala sa show. Hindi raw totoo ‘yun, wala raw nagkakaisa para ilaglag ang male singer, tsismis kasama ang kanyang mga kaibigan pa naman, dahil inaayos na nila ng manager niya ang paglipat ng network.

“Nakakalungkot naman ‘yun. Nakakapanghinayang ang talent niya. Limited kasi ang exposure niya sa nilipatan niyang istasyon. Kakaunti ang musical variety show du’n.

“Sabi nga ng isang friend ni male singer, uso raw talaga ang pulitika du’n sa pinanggalingan niyang show, may favoritism. Kung sino ang paborito, ‘yun ang maraming ginagawang production numbers,” pagtatapos ng aming source.

Wala kaya kayong upuan ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio?

Read more...