Jodi ikinumpara ang buhay sa snow ng Sweden at Finland


NAKABALIK  na ng bansa si Jodi Sta. Maria and to welcome the year ay inilabas na niya ang first episode ng kanyang first vlog.

Yes, vlogger na ngayon si Jodi at tampok ang kanyang trip sa Maldives sa first episode ng kanyang vlog.

“It’s a good day to have a good day! My first VLOG is now up in my YouTube channel (link in bio). Here’s an outtake from my trip to #Maldives. Please let me know what you think of the first episode by leaving a comment below,” caption niya sa IG photo niya.

Sa isang photo naman ay itsinika ni Jodi ang trip nila ni Thirdy sa Sweden at Finland.

“Just got back from our family holiday. Ibang-iba yung experience sa Finland and Sweden dahil hindi naman nagyeyelo dito sa ‘tin sa Pilipinas. Tulad na lang ng paglalaro namin ni Muy sa snow. Super na-enjoy namin yun. Minsan parang ako pa yung bata kaysa sa anak ko. Haha!

“It’s as if time stands still when you watch the snow fall. Mapapa-muni muni ka din sa lamig: Pag makapal na yung snow at hindi ka makalabas, you can either shovel, or make snow angels.

“Just like in life – When faced with trials, you can grumble about how hard the situation is, or you can keep a positive outlook, see the good, and make the most of the experience.”

Read more...