Unang kotse ni Daniel bigay ni Robin


NAGLABAS ng “resibo” si Karla Estrada para patunayan kung gaano ka-generous si Robin Padilla.

Ayon kay Karla, saksi siya kung paano tinulungan ni Binoe ang ilan sa kanyang mga kapamilya, kabilang na nga riyan ang anak niyang si Daniel Padilla.

Ikinuwento ng Magandang Buhay host na si Robin ang nagbigay ng unang kotse ni Daniel noong nagsisimula pa lang sa showbiz.

“Si Robin ang unang nagbigay ng sasakyan kay Daniel. Starex na binili ko.

“Walang check si Robin binigay, sulat-kamay lang. Tapos winithdraw ko yung P600,000 para ibili na yung sasakyan ni Daniel kasi sabi ko, ‘Tol, magsisimula na pamangkin mo (sa showbiz).’ Tapos ‘yun, walang question, nagbigay siya para kay DJ,” pahayag ni Karla.

Nagsimula ang career ni Daniel sa showbiz noong 2010, at walong taon ang nakalipas isa na siya sa mga pinakamayamang young actor ngayon sa Pilipinas. Si DJ ay anak ni Karla sa kapatid ni Binoe na si Rommel Padilla.

Read more...