Kris iwas nega: Hindi pahahabain ng pakikipag-away ang buhay ko


BUMAHA ng dasal para kay Kris Aquino mula sa kanyang mga loyal supporters at social media followers para sa kanyang health condition.

Nasa Singapore ngayon ang Queen of All Media para sa series of medical evaluation at bitbit niya ang pag-asa na kahit paano’y good news ang matatanggap niyang balita mula sa kanyang mga doktor.

Sa kanyang Instagram account, muling nag-post si Kris ng mensahe para sa lahat ng mga taong nagdarasal para sa kanyang kalusugan, lalo na raw ‘yung mga hindi niya kakilala pero talagang isinasama siya lagi sa kanilang mga panalangin.

Narito ang kabuuan ng IG hugot ni Tetay, “‘She was a girl who knew how to be happy even when she was sad. and that’s important. – Marilyn Monroe.’

“Just as i told my Ate, after my first 2 full evaluations with my allergy/rheumatoid/immunology specialist and the endocrinologist he referred me to, we flew here to get CLEAR answers. i am okay with knowing because that gives me a fighting chance.

“Sa respeto, kabutihang loob, at sa pagpaparamdam sa ‘kin na kasama ko kayo sa laban kong hinaharap, sa lahat ng hospital personnel galing sa Pilipinas, na inalagaan ako kanina at sa mga susunod na araw, gusto kong magpasalamat.

“To all of you who have reached out to my family & me, offering your prayers & support, i can only say THANK YOU.

“All I’m experiencing is teaching me that the best way to express my gratitude to you, my children, my siblings, and my Creator- is to never use the cruelty of some, as an excuse to create negativity like them. Hindi pahahabain ng pakikipagaway ang buhay ko.

“More doctors to consult with tomorrow. And many tests Thursday onwards. Time to rest. Good Night.”
Narito naman ang ilan sa mga followers ni Kris na nag-alay ng dasal para sa kanyang paggaling.

Sey ni @jenny_manoza, “Hi Ms. @krisaquino. I will pray for you na sana gumaling ka na. Deadma ka na sa mga taong ngpapa stress lang sau and sa mga taong hindi ka maintindihan. I dont know you personally but i feel that you only want the best for your children and to your sons. Everything will be ok, just dont stop praying and like you we all want to be happy. I hope i can see you in person to hug you.”

Komento ni @teranishibaby, “We love you Kris maraming nag ma mahal sayo , laban lang hwag kang mag patalo sa mga insecure sayo kaya mo yan ikaw pa ipana nganak na fighter sa ano mang pag subok we always PRAY for you.”

Sey naman ni @maricel.sarit, “Magtiwala ka lang po kay lord gagaling ka dahil maraming taong nagdarasal sayo at sa pamilya mo po!”

“Keep fighting po Ms. Kris nawala na po si madam Miriam Santiago, wag naman po sana pati kayo. Kawawa naman po ang bansang ito, mawawalan ng matalino at tapat sa bayan at serbisyong mamamayan na katulad nyo. #LongLiveMsKris,” sey naman ni @iamghre04.

Ito naman ang sey ni @eileenadm, “Act in the opposite spirit. When people sow hatred sow love. ‘Behold, I will bring to it health and healing, and I will heal them and reveal to them abundance of prosperity and security – Jeremiah 33:6.”

“Ipagpe-pray ko po na sana gumaling kana. I’m also a mother alam ko kung ano ang ipinag dadasal ng isang ina para sa kanyang mga anak wag ka po mag alala Ms. Kris isasama po kita sa lahat ng dasal ko para po gumaling kna pra po makasama mo hanggang sa tumanda ang mga anak mo,” sabi ng isa pang fan ni Kris.

Read more...