PBB housemate nag-ala-Catriona, viral na


HINDI pa man pumapasok sa PBB house ang Star Dreamer na si Wakim Regalado mula sa Iloilo, meron na siyang ipagmamalaking viral video na kuha sa interview sa kanya ni Toni Gonzaga.

Mabilis na kumalat sa social media ang nakakaaliw na sagot ni Wakim sa panayam ni Toni bago siya pumasok sa Bahay ni Kuya bilang isa sa walong adult housemates.

Tinanong kasi ni Toni ang tinaguriang “Gifted Go-Getter ng Iloilo” ng, “What are the chances of you winning here in this competition?”

Narito ang mala-Catriona Gray na answer ni Wakim na ikinaaliw ng manonood at ng mga netizens, “This is just pure conjecture po. Pero we should differentiate probability and possibility. So, assuming that there are 64 competitors wherein there could only be one winner, then that could leave me with siguro 1.5625 possibility.

“But not all possiblities have the same weight. So, the probability can change based on the external factors. But you know what Toni, the fact that I’m here makes me feel like a winner. And the fact that I can bring forth my advocacy makes me feel like a winner already,” tugon pa niya.

Mula sa pamilya ng mga abogado ang PBB housemate kaya naman bata pa lang ay competitive na siya sa lahat ng bagay. Marami na rin naiuwing awards mula sa iba’t ibang competition ang freshman mula sa Ateneo de Manila University.

Read more...