COA epektibong kontrabida sa gobyerno

KUNG galit umano si Pangulong Duterte sa Commission on Audit nangangahulugan lamang na epektibo ito sa kanyang trabaho na bantayan ang kaban ng bayan.

Ayon kay dating COA commissioner Heidi Mendoza ang ahensya ay parang kontrabida sa pelikula na ‘kung maraming nagagalit sa iyo, ibig sabihin ay epektibo at makatotohanan ang iyong pagganap’.

“Malinaw naman siguro ang papel na ginagampanan ng mga awditor. Kailan man ay hindi namin gustong manghimasok, magpabagal ng takbo ng transaksyon, at lalong hindi upang makagawa ng oportunidad upang kumita,” ani Mendoza sa isang Facebook post.

Sa kanyang speech kinastigo ni Duterte ang COA. “Ah putang ina ‘yang COA na ‘yan. Letse kasi ‘yung COA, every time may mali talaga. Ano ba naman itong COA na ito? Kung mag-kidnap tayo ng taga-COA, lagay natin, i-torture natin dito, ‘tang ina.”

Iginiit ni Mendoza na ang papel ng COA ay ang pagandahin ang sistema sa gobyerno upang maging epektibo ang paggamit nito ng pondo.

“Ang aming papel ay magbigay ng pagkakataon na maituwid, mapaganda, maiayos ang takbo ng paggamit ng pera ng bayan sa paraang may pananagutan at bukas sa pagpuna ng bawat mamamayan o lahat ng may pakialam.”

Noong Setyembre ay sinabi ni Duterte na dapat ihulog sa hagdan ang mga COA auditors.

Read more...