Dalagita na nag-suicide sa Laguna posibleng ginahasa

SINABI ng mga otoridad na base sa autopsy na isinagawa sa katawan ng isang 17-anyos na dalagita sa 

Sta. Rosa City, Laguna, may palatandaan ito na siya ay posibleng ginahasa.

Ayon kay Dr. Roy Camarillo, chief ng police medico-legal team sa Calabarzon, posibleng “asphyxia by hanging” ang ikinamatay ng biktima, matapos namang sabihin ng mga pulis na nag-suicide ang dalagita.

Nakakita rin ang mga forensic ng “deep, healed lacerations” sa ari ng biktima. 

Sinabi ni Supt. Eugene Orate, Sta. Rosa City police chief, na natagpuan ang biktima sa kanilang bahay sa Barangay Caingin noong Enero 2.

Nagsagawa naman ng malalimang imbestigasyon ang mga pulis matapos sabihin ng malalapit na kaibigan ng biktima at mga kamag-anak na paulit-ulit na ginahasa ang dalagita ng kanyang tatay at dahil umano sa hindi pag-aksyon ng kanyang ina kaya ito humantong sa pagpapakamatay.

Tatlong beses na kinumbinsi ng mga pulis ang mga magulang ng biktima bago pumayag sa autopsy. Nagpapatakbo ng isang maliit na sari-sari store ang mga magulang ng dalagita sa barangay.

“I told them (parents) that given all these allegations (of a crime), the only way to shed light was for them to allow the autopsy,” sabi ni Orate.

Kapwa sinabi nina Orate at Camarillo na base sa autopsy posibleng ginahasa ang biktima, bagamat hindi pa ito sapat na konklusyon.

“Healed lacerations mean the (sexual) penetration was at least three weeks old. (The contact) could be (caused by) rape or could be consensual,” sabi ni Camarillo.

Ani Orate patuloy ang pangangalap nila ng ebidensiya at kumukuha ng testimonya mula sa mga saksi. 

Read more...