HINDI maibibigay ngayong taon ang dagdag na P1,000 sa mga pensyonado ng Social Security System.
Ayon kay SSS president Emmanuel Dooc bagamat malaki ang kinita ng SSS noong 2018 ay hindi maibibigay ang dagdag na pensyon.
Kung susuwertihin ay maibibigay na umano ito sa 2020. Kung hindi ay tiyak na maibibigay na ito sa 2022.
“Meron tayong isang buong taon pa para maisagawa ang mga hakbangin para mas mapatatag at mas mapalago ang ating pondo,” ani Dooc.
Ang P1,000 huling dagdag ay bahagi ng ipinangako ni Pangulong Duterte na P2,000 dagdag sa mga pensyonado ng SSS noong 2017.
Sinabi ng SSS na patuloy ang ginagawang hakbang ng SSS na ang lifespan ay hanggang 2042.
MOST READ
LATEST STORIES