Sawsawerang kapatid | Bandera

Sawsawerang kapatid

Beth Viaje - January 09, 2019 - 12:15 AM

HELLO Ateng Beth,
Happy New Year po!
Tanong ko lang po tama kayang hindi ko na pakialaman ang kapatid ko sa mga desisyon niya sa kanyang buhay? Kasi ako ang laging itinuturong may kasalanan ng bayaw ko kapag sila ang nag-aaway.
Hindi kasi marunong lumaban kapatid ko. Kaya talagang ako ang nakikipagbakbakan sa bayaw ko kapag naapi na ang kapatid ko.
Kaya lang recently sinabihan ako ng sister ko na ‘wag na raw ako manghimasok sa kanila. Pero di ko matitiis ang kapatid ko. Anong gagawin ko?
— Emily ng Batangas

Isa lang sasabihin ko, ateng – BACK OFF!
Tama si bayaw at si sister, hindi ka dapat nakikialam sa buhay-may asawa ng kapatid mo o ng sino pa man, for that matter.
Hindi mo, kamo, matiis ang kapatid mo, o baka naman hindi mo talaga matiis ang hindi makialam? Aminin…
Buhay nila yan, ‘teh at marriage nila yan. Kaya nilang panagutan yang buhay nila lalo na kung walang tulad mong makikialam sa kanila.
Sa tingin mo inaapi ang kapatid mo? pero malay mo naman na baka may usapan na sila ng asawa niya.
Mas nagiging komplikado ang isang relasyon ng mag-asawa kapag may kamag-anak na kagaya mo ang nakikialam sa buhay nila.
Kaya kahit na ano pa ang marinig mong away nila, dedma! wag na wag mo silang pakikialaman.
Of course, ibang usapan na kapag binubugbog na o pisikal na sinasaktan ang kapatid mo. Syempre kailangan na ng intervention sa ganong bagay.
Pero kung naririnig-rinig mo lang silang nagtatalo, wag kang makisawsaw pa.
By the way, ikaw ba ay walang asawa kaya hindi mo alam ang pakiramdam ng nagtatalong mag-asawa na pinakikialaman nakikialam na kamag-anak?
Kapag nag away sila o nagtalo, mag walk out ka na lang para hindi ka na makialam. Ang planuhin mo at asikasuhin mo ay ang buhay mo ha.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending