Fifth galit na galit sa mga ‘homophobs’


BILANG miyembro ng LGBTQ community, naglabas ng sama ng loob ang former PBB housemate na si Fifth Solomon tungkol sa unfair treatment sa mga bading, kabilang na ang pamimilit sa isang lalaki na aminin ang kanyang tunay na gender.

Unang nakilala si Fifth sa PBB: All In noong 2014 at naging kontrobersyal nang amining isa siyang bisexual.

Narito ang open letter ni Fifth sa kanyang Twitter account: “Don’t use the word ‘gay’ as an insult. We are not an insult. We love ourselves. We embrace everything about us. so yeah F*ck off.

“Pag nakakatawa yung bakla tatawanan niyo. Susuportahan niyo. Pero pag usapang respeto, pagkakaparepareho, di niyo kami magawang tratuhin na tao.”

“So for all the homophobs out there, F*ck off. It’s 2019 bitches!” galit na galit na sabi ni Fifth.

Isang netizen naman ang nagsabi na nakakairita na ang mga taong walang ginawa kundi gawing source of entertainment ang tungkol sa gender preference ng ibang tao.

Sagot naman dito ni Fifth, “Sobraa lalo na yung namimilit mag out kung bakla ba ung tao. Sobrang bored pati sexuality iniintriga.

“Ginawang laro ang pagiging bakla sa mga comment sections kakaloka.”

Read more...