Maaksiyong life story ni Bato maipalabas pa kaya sa sinehan bago mag-eleksiyon?


LUMABAS na sa social media ang teaser-trailer ng bio-flick ni dating PNP Chief Gen. Ronald “Bato” dela Rosa mula sa ALV Films.

Natupad naman ang wish ni Gen. Bato na si Robin Padilla ang magbida sa kanyang life story, pero wala pa sa teaser kung sino ang magiging leading lady niya.

Isa ang heneral sa tatakbong senator sa May, 2019 elections. Ngayong February na ang simula ng kampanya para sa national position.

Tanong tuloy ng ilang nakapanood ng teaser eh, kung matatapos ni Robin ang movie bago ang kampanya. Action pa naman ang pelikula kaya hindi dapat apurahin, huh!

Hindi na kasi puwedeng ipalabas ang pelikula once nagsimula na ang campaign period or else puwedeng kasuhan ang heneral ng electioneering, huh!

q q q

Umabot na sa P1 billion ang kinita ng lahat ng pelikulang kasali sa 2018 Metro Manila Film Festival ayon sa inilabas na statement ng spokesperson ng MMF na si Noel Ferrer.

Naabot naman ang target nilang P1 billion na kita mula sa walong entries sa duration ng festival simula nu’ng Dec. 25 hanggang Jan. 7. Wala nga lang siyang inilabas na ranking at figures ng bawat kalahok.

Ang P1 billion naman na target ng isa sa mga official entries ay obviously hindi nakamit. Base sa computation ng ilang nakakaalam, mukhang talo pa ang movie dahil sa laki ng puhunan nito.

Eh, sa malalaking artista pa lang na kasali sa naturang movie ay milyun-milyon na ang talent fee, kaya posible ngang mas malaki pa ang kinita ng ibang entry kesa rito.

Read more...