QC nagdeklara na rin ng walang pasok bukas
WALA na ring pasok bukas sa Quezon City matapos na iutos ni Mayor Herbert Bautista ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas dahil umano sa banta sa pagdiriwang ng Itim Na Nazareno.
Nauna nang nagdeklara si Manila Mayor Joseph Estrada ng walang pasok sa lahat ng antas sa Maynila at maging sa mga tanggapan sa Manila City Hall.
Sa inilabas na Memorandum na ipinadala sa mga sangay ng Department of Education sa siyudad, ang suspensyon ay bilang tugon sa mga napaulat na banta sa pista ng Itim na Nazareno.
“In view of the reported threats to the security and orderliness of the conduct of the activity, including its implications to the vehicular and pedestrian traffic, Mayor Herbert Bautista issued instructions declaring a suspension of classes in Quezon City at all levels,” saad ng memorandum.
Inaasahan na ang mabigat na daloy ng trapiko bukas dahil sa Traslacion.
“Learning facilitators and the faculty are advised to provide students affected by this class suspension additional compensatory homework.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.