NAG-OVERHEAT na electric fan ang pinaniniwalaang sanhi ng sunog na tumupok sa limang bahay sa Quezon City ngayong araw.
Nagsimula ang sunog alas-10:40 ng umaga sa ikalawang palapag ng bahay ni Antonietta Reyes sa Mayo st., Brgy. NS Amoranto.
Agad na kumalat ang sunog sa iba pang kabahayan. Umakyat ang sunog sa ikatlong alarma.
Naapula ang apoy alas-11:11 ng umaga. Walang napaulat na nasugatan sa insidente.
MOST READ
LATEST STORIES