NIYANIG ng magnitude 5.4 lindol ang Zamboanga del Norte bago magtanghali ngayong araw.
Naramdaman ang lindol alas-11:11 ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology. Ang epicenter ng lindol ay 36 kilometro sa kanluran ng Baliguian at may lalim 52 kilometro.
Posible umanong nagdulot ng pinsala ang pagyanig na ito ayon sa Phivolcs. Inaasahan din na magdudulot ito ng aftershock.
Nagresulta ang lindol sa Intensity V sa Siocon, Zamboanga del Norte, Intensity IV naman sa Zamboanga City; Liloy, Zamboanga del Norte.
Intensity III naman sa Sindangan and Labason sa Zamboanga del Norte at Intensity II naman sa Dipolog City; Manukan, Zamboanga del Norte
MOST READ
LATEST STORIES