Tony Labrusca umalma sa isyu ng kabaklaan; hunk model kaibigan lang


NALIHIS na ang isyu ng pakikipag-away ni Tony Labrusca sa mga immigration officer sa NAIA Terminal 1 sa sexual preference nito matapos lagyan ng ma-lisya ang relasyon niya sa isang male model na kasama niyang dumating sa bansa last week.

Nag-sorry na si Tony sa inasal niya habang kausap ang mga taga-immigration matapos aminin ang kanyang mga pagkakamali. Pero ang mainit na pinag-uusapan ngayon ng madlang pipol ang tsismis na ba-ding daw siya.

Actually, matagal nang naba-blind item ang binata tungkol sa kanyang sekswalidad pero ngayon lang talagang bumandera ang isyu dahil sa iskandalong ginawa niya sa airport. Nagsimula ito sa ipinost ng isang netizen na kasama diumano ni Tony ang kanyang lover habang nakikipagtalo sa immigration staff.

Grabe ang mga comments ng bashers ni Tony about his gender, talagang kung anu-anong mahahalay na salita ang ipinakain nila sa binata. Meron din namang nagtanggol sa kanya na nagsabing hindi sila naniniwala na beki si Tony.

Isa sa mga dumepensa sa binata ay ang kaibigan nitong talent manager na si Chris Cahilig na nagpatunay na straight ang aktor at walang bahid ng kabaklaan. Ibinahagi rin niya sa Facebook ang pag-uusap nila ni Tony hinggil sa isyu.

In-upload ni Chris ang screenshot ng ilang bahagi ng pagpapa-litan nila ng mensahe ni Tony tungkol sa kanyang gender. Himutok ng aktor, “What’s wrong with Alex being with me on the immigration?

“Just because we’re in the same flight we’re together na? That’s so low. Why can’t people see the truth that we’re just friends and his tita even made sure we got the same flight para may kasama kami pauwi.”

Hindi kami sure kung ang Alex na tinutukoy ni Tony ay ang singer-actor na si Alex Diaz na nagtanggol sa kanya at nagsabing saksi siya sa nangyaring insidente sa NAIA.

Ipinagdiinan din ni Chris na personal niyang kilala si Tony, “He’s straight. I understand the level of curiosity on his sexuality since he’s exceptionally hot.”

Read more...