NAKAGUGULAT na ipalalabas na ang original series na High ngayong tanghali. Wala kasi kaming nabasa sa mga pahayagan tungkol dito, at iilan lang ang mga post nakita namin sa social media.
Nakita lang namin ang post ng isang kakilala sa Facebook tungkol dito. Nagtanong kami sa ilang kunektado sa programa kung tungkol saan ito pero walang sumagot sa amin.
Anyway, nabanggit na ito ni Ria sa amin noon pa, at sabi nga niya, wala siyang alam kung kailan ito ipalalabas sa IWant, basta dire-diretso lang ang shooting niya under direk Dondon Santos kung saan kasama rin niya sina Sammie Rimando at Marcus Paterson.
Ang saya-saya ni Ria habang ikinukuwento niya sa amin ang tungkol sa High dahil first time niyang maging bida sa isang series at kabado siya dahil hindi niya alam kung ano ang reaksyon ng makakapanood.
Magandang senyales na kinakabahan ang isang artista kapag may bago siyang project dahil ibig sabihin ay hindi pa siya kampante at willing pa ring matuto lalo na ang isang baguhang tulad niya.
Pero sa unang Maalaala Mo Kaya episode ni Ria ay maganda na agad ang feedback ng mga viewers kaya naniniwala kaming manggugulat na naman siya sa High. Bukod dito, maganda rin ang reviews sa kanya sa MMFF entry na “The Girl in the Orange Dress” bilang isa sa support ni Jessy Mendiola.
Samantala, hiningan namin ng reaksyon si Ria habang tinitipa namin ang balitang ito tungkol sa karakter niya sa High at kung ano ang kuwento pero hindi pa niya kami sinasagot, baka busy pa sa taping ng seryeng Halik.
q q q
Nag-post si Ogie Diaz ng resulta ng 2018 Metro Manila Film Festival (unofficial) na magtatapos na sa Jan. 7 dahil kung ibabase rito ang bawa’t kita ng pelikula sa nakaraang filmfest ay sobrang hina ngayong taon.
Narito ang post ni Ogie sa kanyang Facebook page: 2018 Official Metro Manila Film
Festival 10-Days Philippine Box Office As Of January 3.
1.) FANTASTICA (ABS-CBN Films/Viva Films) – P442.2 Million
2.) JACK EM POPOY: PULISCREDIBLES (CCM Films/M-Zet Prods/APT Entertainment) – P377.9 Million
3.) AURORA (Viva/Aliud Entertainment) – P83.8 Million
4.) MARY, MARRY ME (Ten17 Films/TinCan Productions) – P59.6 Million
5.) ONE GREAT LOVE (Regal Entertainment) – P30.2 Million
6.) THE GIRL IN THE ORANGE DRESS (ABS-CBN/Quantum Films/MJM Production) P27.7 Million
7.) RAINBOW’S SUNSET (Heaven’s Best Entertainmenu) – P14.9 Million
8.) OTLUM (Horshoe Studios) – P12.1 Million
Ayon naman sa MMFF organizers, umabot na sa P1,048,400 ang total earnings ng lahat ng pelikula as of Jan. 3. E, hanggang Jan. 7 pa naman ang filmfest kaya posibleng sumampa sa mahigit P1.5 billion ang kikitain nila.
May lumabas na balita na medyo mahina ang “Fantastica” ni Vice Ganda dahil nasa P442.2 million pa lang ito, but for sure extended ito sa mga sinehan kaya posibleng malampasan nito ang kinita ng entry niya last year (Gandarapido) na mahigit P600 million worldwide.
Nalampasan naman ng “Jack Em Popoy” ni Coco ang kinita last year ng entry niyang “Ang Panday” na mahigit sa P200 million. Pero kasama niya rito si Vic Sotto kaya masasabing maliit pa rin ang P377.9 million. Pero tiyak na extended din ito kaya posibleng umakyat pa sa P500 million ang kita nito.
Wala namang problema na ang Viva Films at Aliud Entertainment dahil bawing-bawi na sa puhunan ang “Aurora” ni Anne Curtis. Masuwerte na rin ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga dahil nakaka-P59.6 million.
Wala kaming idea kung nakabawi na ang Regal Films sa “One Great Love” pero ba-litang nagsunud-sunod din ang mga pa-block screening ng fans at supporters ni Kim. Wish din naming lumaki pa ang kita ng Quantum Films para sa “The Girl in the Orange Dress” at Heaven’s Best para naman sa “Rainbow’s Sunset”.
Mukhang nakabawi naman ang “Otlum” sa kinita nilang P12.1 million dahil hindi naman sila gumastos ng malaki sa talent fee ng cast na karamihan nga ay mga baguhan.