Juancho totohanan na ang panliligaw kay Joyce | Bandera

Juancho totohanan na ang panliligaw kay Joyce

|January 07,2019
facebook
share this

Juancho totohanan na ang panliligaw kay Joyce

- January 07, 2019 - 12:25 AM

TOTOHANAN na pala ang panliligaw ng Kapuso hunk na si Juancho Trivino sa kasamahan niyang segment host sa Unang Hirit na si Joyce Pring.

Sa pagkakaalam namin, tulad ng phenomenal loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza, nagsimula lang din sa tuksuhan ang pagiging close nina Juancho at Joyce mula nang magkasama sila sa remote segments ng morning show ng GMA na Unang Hirit.

Hanggang sa mabuo nga ang tandem nilang “JuanChoyce”. Sa panayam ng GMA, sinabi ni Juancho na ipinagdarasal niya na siya na ang lucky guy na mapili ni Joyce.

“Sana ako ‘yung ‘one choice’ sa puso ni Joyce. I hope, I also pray na that happens also. Right now nasa stage ako na I’m just trying to win her heart,” pahayag ng TV host-actor.

Inamin ni Juancho na matagal na niyang crush si Joyce, at saludo siya sa dalaga dahil sa sipag at dedication nito sa trabaho.

“Crush! Crush na crush ko siya. Ever since humahanga na talaga ako sa kaniya. I admire her work kaya nga-yon masayang masaya ako na nakakasama ko siya, nakakatrabaho ko siya at nakakausap ko siya palagi,” sey pa ng binata.

Maraming kinilig sa paandar ni Juancho sa episode ng UH last Friday kung saan sinorpresa niya si Joyce habang live itong nagre-report tungkol sa mga lugar na maaaring bisitahin na hindi masyadong gagastos.

Nagulat talaga ang dalaga nang biglang sumulpot si Juancho mula sa kanyang likuran na nakapadyak, naka-hoodie at may takip ang mukha, sabay bati sa kanya ng, “Hi Joyce, Happy New Year!”

Nagulat man, kitang-kita sa reaksyon ng Kapuso host ang pagkakilig. Ang alam kasi ni Joyce ay solo lang siyang magho-host para sa segment nila ni Juancho. Tinext kasi siya ni Juancho na didiretso na ito sa taping ng seryeng Asawa Ko, Karibal Ko, mula sa Hong Kong.

Pero kinuntsaba pala ng binata Unang Hirit production para sorpresahin si Joyce.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending