Ex-business partner ni Kris lumantad na, wala raw ninakaw


PASABOG ang unang salvo ng revelation ni Nicko Falcis na kinasuhan ni Kris Aquino ng 44 counts ng qualified theft.

Nicko is the former Managing Director of Kris’ company, Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP). Sa article na lumabas sa isang online portal, Nicko revealed na aabot sa P111,650,000 ang brand deals na naibigay niya kay Kris and it could fetch to P200,000,000 sa kabuuan after ng 2018.

Say pa ni Nicko, sa kanyang tantiya ay mayroon siyang makukuhang P800,000 na komisyon kay Kris noong August, 2018. According to him, about P20 million pa ang hindi niya natatanggap na komisyon from Kris. Aside from that, pinanindigan ni Nicko ang sinasabi niyang death threat sa kanya ni Kris.

Sa kanyang counter-affidavit, ito ang nakasaad sa sinasabi niyang conversation nila ni Kris: “HWAG ka nang bumalik sa Pilipinas, nadinig mo, NO, hwag ka, PAPAPATAY KA NG PAMILYA KO, you know what, you know what’s wrong with me??? MAY LUPUS AKO, NICKO!!!”

“That’s why…GUSTO MONG BUMALIK SA PILIPINAS? DARE TO STEP IN THIS COUNTRY, AND YOU WILL BE DEAD.”

Of course, tiyak na may sagot si Kris sa laman ng kanyang counter-affidavit. Ilang netizens nagpaabot ng suporta kay Kris and said, they believe na mananaig pa rin ang katotohanan sa labanang ito.

Actually, ito naman talaga ang gusto ni Kris ang magharap sila sa korte ni Nicko para magkaalaman na kung sino ang nagsasabi ng totoo and who’s lying.

Read more...